Wednesday, October 3, 2007
Morning Moments
Umaga na naman, kakain na naman ako, haay ang sarap ng buhay ng Shih Tzu, konting lambing lang, konting kurap ng mata, konting paawa, may pagkain ka na. Gusto ko yung lagi akong sinusubuan at inaabutan ng pagkain. Mukha namang naiintindihan ako ng amo ko pag lumundag na ako sa kanya, automatic yun, may pagkain na ako agad. Kung hindi pa ako maintindihan, kakahol lang ako, ayos na!
Wow, ang sarap talaga ng buhay ko, ano kaya ang buhay ng ibang asong kagaya ko, masaya rin kaya sila, nabubusog din kaya sila tulad ko? Masasarap din ba ang kinakain nila?
Haay, ang pinaka hindi ko gusto ay kung nakikita ko na yung gamot sa tenga at yung kulay ubas na pinilit na pinapalunok sa akin. Ang pait kaya. Hindi ko magustuhan. Ang pakla, lasang gamot!!! Ay gamot ba?
Alam ko mahal ako ng mga amo ko, lahat sila ako ang mahal kasi wala pang bata dito sa bahay kaya habang wala pang bata ako pa lang ang baby nila.
Kaya habang ako pa ang baby, walang makakapigil sa akin na magpakasaya.
Arf! Arf! Arf!
Saturday, September 29, 2007
Goodbye Na Sa Iyo
Ayaw ko na sa iyo,
Gusto na kitang iwan.
Isa kang pasaway,
Wala kang dinala sa akin kundi pasakit,
Sugat at hapdi.
Gusto na kitang hiwalayan
Pero paano?
Ano ang dapat kong gawin?
Marami na akong sinubukan
Andyan ka pa rin.
Pero ngayon, desidido na ako,
Hihiwalayan na kita.
Makikita mo.
Goodbye na sa u.
Balakubak...
Gusto na kitang iwan.
Isa kang pasaway,
Wala kang dinala sa akin kundi pasakit,
Sugat at hapdi.
Gusto na kitang hiwalayan
Pero paano?
Ano ang dapat kong gawin?
Marami na akong sinubukan
Andyan ka pa rin.
Pero ngayon, desidido na ako,
Hihiwalayan na kita.
Makikita mo.
Goodbye na sa u.
Balakubak...
Thursday, September 27, 2007
Wednesday, September 26, 2007
Nakakabaliw Maghintay
Anong oras na ba? Kanina pa ako nakahilata dito ang tagal ng amo ko. Nagugutom na ako. Minsan nangangati pa. Gusto ko naman siya ang magpainom sa akin ng gamot. Para malamig (cool) diba? Eto ako mukha nang pinto ang mukha ko, panay ang silip sa ilalim ng pinto. Wooops, may dumaan na tricycle, ayan na siya na nga ba yan? Mukhang hindi pa. Sana naman tinawagan niya ako na hindi siya agad darating para nakapag handa ako. Hindi ako umasa, nag praktis pa naman akong tumalon at maglaro ng bola ko yung tumutunog. Tapos sabay lukso sa kama nila, tapos balik ulet sa pinto. Haay! Buhay, it's so boring (nakakatamlay). Minsan marunong akong mag English, kapag Monday to Tuesday mga oras ng alas otso, kasi naririnig ko ang babae kong amo na nag English, kinakausap niya ako ng English. Sabi niya sa akin, Let's Go, Get Up, Cassie! English pala ang pangalan ko, akala ko Tagalog.
Anak ng Talong, naalala nyo ba ang kwento ko? yung lalaki na nagpaligo sa akin? Eh idedemanda ko yun eh, cruelty to his same kind. Biruin mong inahit ang tiyan ko, nagsugat. Dinala kasi ako kahapon sa Veterinarian, pangalan niya Doc Harry, sabi niya may Otitis daw ako, at may Dermatitis din ako, puro na lang titis, mali ang basa mo, tay tis. Ibig sabihin niyan infection. Mas marunong talaga ako sa iyo. Kaya, may gamot ako sa tenga para sa Otitis at may antibiotic ako para sa Dermatitis. Haay, alam mo ba kung magkano ang binayad nila sa gamot at checkup ko? 9,500.00 philippine pesoses. Pulubi na ang mga amo ko.
Ay teka lang may ingay sa labas, ayan na binubuksan na ang gate! Dumating na siya! Action!

Huwait a Minute Kapeng Mainit
Huwait a minute, hindi ko pa pala natatapos ang kuwento ko, may tao sa gate kagabi. Eh, alam mo na trabaho ko ang kumahol ng kumahol ng kumahol hanggang marinig ng aso sa kabilang kanto ang kahol ko. Para enjoy diba, maingay.
O balik tayo sa kuwento, eto na nga kinuha na ako ni Mamang Ano, hindi ko alam ang pangalan eh, tapos tinali nga ako diba? Unang ginawa sa akin, hinila ang tenga ko, buwisit na Mama yan, ang sakit ng hawak nya, pinipilit ba namang itupi ang tenga ko. Ang eng eng din naman bakit kasi sa Pet Span walang upuan ang mga nag-groom, nakatayo e di ang layo ng tenga ko sa mga mata nila, kaya hayun dinutdot ng dinutdot ang tenga ko, sana naman ilapit ako ng konti para di masakit.
Matagal din nilinisan ang tenga ko, isang tenga siguro nasa 15 minuto, kaya 30 minuto tenga pa lang. Sunod dun yung mga kuko ko, "Panahon para mag pedicure", hindi enjoy ito, namemerder ang mga kuko ko, dumudugo.
Sunod naman yung talagang paligo na, "Hoy Aso ko, ano ba naman ito? Langya, Bawawaw! Hinay, hinay naman sa tubig, hindi po ako marunong huminga sa tubig, aso po ako hindi isda. Kagatin kita diyan eh. Siguro okey lang ang paligo sa akin, huwag mo lang bilangin yung tubig na tumatama at shampoo na napupunta sa mata ko at tenga.
Presko na, gusto ko nang matulog kaya lang basa pa ang buhok ko, baka ako mapasma, ay baka mabulag din pala ako. Huwag na huwag raw matulog na basa ang buhok, sasakit ang ulo. Ang galing ng mga tao noh, parang si Madame Curing, alam na ang mangyayari pag naligong basa ang buhok.
Tapusin na natin ang kuwento, In short, ay sa loob ng karsunsillo, gutom na ako, wala pa akong kinakain simula kaninang umaga. Ay meron pala, mainit na aso, Hah! Hotdog, kumakain ako ng Hotdog! Diba aso rin yun, kinakain ko ang kapwa ko? Please Lord, forgive me for what I have done, they do not know the humans what they are talking about".
Eh gutom na ako, bukas na lang ulet.

Naligo Ako Ngayon
Bago Ako Maligo
Grabe, ang tagal ko nang hindi naliligo, may ilang garapata at langgam na ang nag fiesta sa mga balahibo at balat ko. Ilang gabi na ring hindi ako makatulog dahil sa kati. Ang kati-kati-kati. Maya-maya kamot ng kamot. Hindi makatulog. Mabuti naman at naawa na sa akin ang amo ko at dinala ako sa Tiendesitas para paligiuna ng kung sinong Hudas, Barabas at Hestas na nakatakip ang bibig dun.
Hindi biro ang ginagawa nila sa akin. Inaapi nila ko, sinasaktan, sinasabunutan, binubunutan ng buhok sa tenga, masakit yun ha. Kayo kaya bunutan ng buhok sa ilong, di ba masakit din? Inaahit ang kilikili ko, kala nyo kayo lang ang nag-aahit, ako rin kaya. Kala nyo kayo lang ang pwedeng malinis ang pekpek, kung sa inyo wax at laser pa, sa akin, trim lang. Wof! Wof! Wof!
Ay dapat pala Tagalog baka hindi ako maintindihan. Kaw! Kaw! Kaw!
Ang Dalawang Oras Kong Paghihinapis
Nasubukan nyo na bang maligo at matapos ng dalawang oras? Ang tagal, men. Ay Tagalog pala, ang tagal, lalaki. ay marami pala kasi men, ang tagal, mga lalaki. Kaw! Kaw! Kaw!
Sige, biro sa tabi (kidding aside, moron) ayaw ko nang pumunta roon. Kaya lang nakatali ako eh, hawak ni amo ang kabilang tale, kahit saan ako tumakbo aabutan ako nun. Hihilahin lang niya ang tale. Ah dibale na siguro sa susunod, papagurin ko na lang ang amo ko, tutal mataba naman yun eh, madaling mapagod.
Balik tayo sa kuwento, kinuha na ako ng lalaking nakatakip ang bibig, "Ayaw Ko, Huwag po, Huwag po". Dinala ako sa table, pilit na ginapos, hinanap ko ang amo ko, ayun nasa labas. May salamin kasi eh kita mo ang labas. Aba, at binabantayan ako. sige bantayan mo ako.
Teka lang bukas ko na lang itutuloy ang kuwento ko, may tao sa labas, break muna ako.

Subscribe to:
Posts (Atom)