Anong oras na ba? Kanina pa ako nakahilata dito ang tagal ng amo ko. Nagugutom na ako. Minsan nangangati pa. Gusto ko naman siya ang magpainom sa akin ng gamot. Para malamig (cool) diba? Eto ako mukha nang pinto ang mukha ko, panay ang silip sa ilalim ng pinto. Wooops, may dumaan na tricycle, ayan na siya na nga ba yan? Mukhang hindi pa. Sana naman tinawagan niya ako na hindi siya agad darating para nakapag handa ako. Hindi ako umasa, nag praktis pa naman akong tumalon at maglaro ng bola ko yung tumutunog. Tapos sabay lukso sa kama nila, tapos balik ulet sa pinto. Haay! Buhay, it's so boring (nakakatamlay). Minsan marunong akong mag English, kapag Monday to Tuesday mga oras ng alas otso, kasi naririnig ko ang babae kong amo na nag English, kinakausap niya ako ng English. Sabi niya sa akin, Let's Go, Get Up, Cassie! English pala ang pangalan ko, akala ko Tagalog.
Anak ng Talong, naalala nyo ba ang kwento ko? yung lalaki na nagpaligo sa akin? Eh idedemanda ko yun eh, cruelty to his same kind. Biruin mong inahit ang tiyan ko, nagsugat. Dinala kasi ako kahapon sa Veterinarian, pangalan niya Doc Harry, sabi niya may Otitis daw ako, at may Dermatitis din ako, puro na lang titis, mali ang basa mo, tay tis. Ibig sabihin niyan infection. Mas marunong talaga ako sa iyo. Kaya, may gamot ako sa tenga para sa Otitis at may antibiotic ako para sa Dermatitis. Haay, alam mo ba kung magkano ang binayad nila sa gamot at checkup ko? 9,500.00 philippine pesoses. Pulubi na ang mga amo ko.
Ay teka lang may ingay sa labas, ayan na binubuksan na ang gate! Dumating na siya! Action!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment