Wednesday, September 26, 2007

Huwait a Minute Kapeng Mainit

Huwait a minute, hindi ko pa pala natatapos ang kuwento ko, may tao sa gate kagabi. Eh, alam mo na trabaho ko ang kumahol ng kumahol ng kumahol hanggang marinig ng aso sa kabilang kanto ang kahol ko. Para enjoy diba, maingay.

O balik tayo sa kuwento, eto na nga kinuha na ako ni Mamang Ano, hindi ko alam ang pangalan eh, tapos tinali nga ako diba? Unang ginawa sa akin, hinila ang tenga ko, buwisit na Mama yan, ang sakit ng hawak nya, pinipilit ba namang itupi ang tenga ko. Ang eng eng din naman bakit kasi sa Pet Span walang upuan ang mga nag-groom, nakatayo e di ang layo ng tenga ko sa mga mata nila, kaya hayun dinutdot ng dinutdot ang tenga ko, sana naman ilapit ako ng konti para di masakit.

Matagal din nilinisan ang tenga ko, isang tenga siguro nasa 15 minuto, kaya 30 minuto tenga pa lang. Sunod dun yung mga kuko ko, "Panahon para mag pedicure", hindi enjoy ito, namemerder ang mga kuko ko, dumudugo.

Sunod naman yung talagang paligo na, "Hoy Aso ko, ano ba naman ito? Langya, Bawawaw! Hinay, hinay naman sa tubig, hindi po ako marunong huminga sa tubig, aso po ako hindi isda. Kagatin kita diyan eh. Siguro okey lang ang paligo sa akin, huwag mo lang bilangin yung tubig na tumatama at shampoo na napupunta sa mata ko at tenga.

Presko na, gusto ko nang matulog kaya lang basa pa ang buhok ko, baka ako mapasma, ay baka mabulag din pala ako. Huwag na huwag raw matulog na basa ang buhok, sasakit ang ulo. Ang galing ng mga tao noh, parang si Madame Curing, alam na ang mangyayari pag naligong basa ang buhok.

Tapusin na natin ang kuwento, In short, ay sa loob ng karsunsillo, gutom na ako, wala pa akong kinakain simula kaninang umaga. Ay meron pala, mainit na aso, Hah! Hotdog, kumakain ako ng Hotdog! Diba aso rin yun, kinakain ko ang kapwa ko? Please Lord, forgive me for what I have done, they do not know the humans what they are talking about".
Eh gutom na ako, bukas na lang ulet.

No comments:

 
Free hit counter